MGF?!?!

sweldo…

ang yabang ko pa dahil mahigit 20hrs ang overtime ko noong october, at expected ko na medyo mayaman ako ngayong sweldo.. pero sa kasamaang palad, isang araw lang ako mayaman, at balik dukha na naman ang beauty ko hanggang dumating uli ang susunod na sahod… hindi ko alam kung maliit ba ang sweldo ko o talagang malupit lang ang tadhana at pinamumukha niya sa akin na hindi ako deserving maging mayaman… bakit? kutis bayag naman ako at kahit papaano ay may alam akong 5 salita sa wikang inggles.. you know? yes? no? alright!

isa lang naman ang lagi kong sinasabi kapag kinakapos lagi ang sangkaperahan… TIIS…

mahirap din kasi ang nagtatrabaho sa ibang bansa, akala kasi ng mga nasa pinas eh naliligo kami ng salapi, pero ang totoo ay mas dobleng sakripisyo ang ginagawa namin dito…

hindi naman sa nagtitipid, pero dumating sa punto na pagbukas ko ng ref ay isang pitsel ng tubig at dalawang tray ng yelo ang sasalubong sa akin ng bonggang-gongga…

kadalasan, 2 beses lang ako nakakakain sa maghapon para medyo tipid… saka isang stick ng stik-o para merienda…

kung minsan naman, itlog at kanin o ‘di kaya’y noodles at tinapay ang hapunan… pwede ring patis at kanin…

TIIS…

mas masarap pa rin ang buhay sa pinas kung tutuusin, pero ginagawa ko ang lahat ng ito para sa mag-iina ko… oo, kahit mukha akong baklang maton… may pamilya ako na kailangan kong suportahan.. at handa akong magsakripisyo para mabigyan sila ng magandang buhay… kaya nga lahat na lang ng klase ng pagtitiis ay ginagawa ko para sa kanila… matinding pagtitiis… mas matindi pa kaysa sa pagkakaroon ng constipation habang nakaupo ako ng 30 minutos sa inidoro para lumabas ang ga-kamaong tubol na ayaw lumabas dahil virgin pa ang butas ng pwet ko… pero hindi ko pa naranasan yan.. hinalintulad ko lang…

TIIS…

pabor din naman sa akin ito.. para kahit papaano eh mabawasan ang 48 inches kong bewang… pinapangarap ko kasing magkaroon ng billboard sa kahabaan ng EDSA.. pagbigyan na ninyo ako.. pangarap lang naman…

kaya nga nung nag-withdraw ako ng pera sa ATM.. 5 minuto ko munang nilasap ang pagiging don potpot ko.. at pagkatapos nun, diretso remit papunta sa account ng asawa ko… alright… ako na ang mayaman.. for 5 minutes.. ako na… ako na…

(Source: http)


kalandian…

11 na ng gabi, at nagkasabay tayo sa tren para makauwi… isang stasyon lang naman at bababa ka na pero pina-upo pa rin kita para di ka naman mangalay at mapagod.. yun na ata ang pinakamasaya at pinakanakakakilig na 5 minuto ng buhay ko sa ngayon… habang kinukwento mo kung saan ka nakatira.. hindi ko nilubayan ang pagtitig ko sa iyo… ang ganda ng mga mata mo… ang mga ngipin mo.. ang mga labi mo na masarap hawakan at halikan….

ayaw ko ng huminto pa ang tren.. nanalangin ako na sana masira ang sinasakyan natin upang makasama ko pa kita ng matagal… gusto pa kitang makilala ng lubusan.. pero alam kong di ito ang huli nating pagkikita… huminto ang tren… tumayo ka.. binigyan mo ako ng isang napakagandang ngiti at sinabing..

“Sige.. dito na lang ako..”

iniabot ko ang kamay ko at kinamayan kita… gustuhin ko mang hatakin kita papalapit sa aking mga bisig pero pinigilan ko ang aking sarili.. baka isipin mong masyado akong mabilis.. kakakilala pa lang natin ng araw na ito… pero tinagalan ko ang paghawak sa kamay mo at sinabi ko sa iyo…

“Nice meeting you… ingat ka sa pag-uwi..”

ang 5 segundo ng paghawak ko sa mga kamay niya ay parang ilang oras ng kasiyahan.. pero kailangan ko ng bumitaw… at nung ika’y tumalikod… ibinulong ko sa sarili ko ang mga katagang hindi ko pa sinasambit kahit kanino…

“Mahal na kita.. sa muli nating pagkikita…”

pinagmasdan pa kita hanggang sa paglalakad mo.. hanggang sa pagakyat mo ng hagdanan… hanggang sa magsara ang pinto…. at umandar na ang tren.. umupo akong medyo nanghihinayang.. pero masaya dahil kahit sa konting sandali na nakasama kita… napatibok mo ang puso ko…

 

syanga pala…
lalake sya…

(Source: potsquared.wordpress.com)